Sunday, January 09, 2011

Bagong T

Okay, medyo late na 'tong New Year's Resolution entry ko eh kasi naman pinahupa ko muna ang kaguluhan sa mga NYR entries ng ibang blogs para mapansin naman ako LOL! Biro lang, ang totoo nyan nag muni-muni muna ako kung gagawa pa ba ako eh napaka cliche naman kasi halos lahat naglabasan ng NYR nila. Kaya lang since inggitero ako eh di nakayanan ng aking powers na magpigil kaya eto na sila! Haha! Medyo iniklian ko lang ang lista at sigurado naman akong di ko matutupad karamihan kapag mahaba. Pinili ko din yung mga madadali at malapit sa katotohanan para naman di ako mapahiya! Take note, tagalog 'tong entry na 'to. Nagka anemia na kasi ako kaka-english!

1. YOSI BREAK
As in break na sa pagyoyosi. Number 1 talaga 'to dahil ito pinakamahirap gawin. Kinailangan pang sumakit dibdib ko ng husto para mapahinto ako sa yosi 2 years ago kaya lang 1 year lang tinagal at balik yosi ulit (T ^ T).

2. MAGPAPAYAT
Yes, sobrang taba ko na! Eh pano ba naman kasi tingin ko plano talaga kaming lahat patabain ng boss ko para di sya mainsecure sa size nya! (joke!) *ubo*malapitnasummer*ubo*

3. PESCETARIAN
Once upon a time naging vegetarian ako dahil sa pangyayari sa #1. 1year din yun ah! Tapos dumating ang lecheng holiday season. Eh araw araw ka ba namang humaharap sa mga masasarap na meat dishes ewan ko na lang kung hindi ka ma-brainwash sa pagkain! hmpft! And since ayaw ko namang mapahiya agad sa pagshift from meat to no-meat, isasama ko na muna ang mga seafood sa aking diet.. at siyempre, ang meat ni RT! Bwahaha!

4. SAVE!
Ainaku! 1 year nako kumakayod, it's about time makapag ipon naman ako.

5. UPGRADE
Pinipilit na ko ni Itay na kumuha ng board exam kaya lang medyo burned out pako mag-aral tsk. Supposedly this May na pero prinoject ko nalang sa November para sure ball or pwede din maurong ng May '12 depende sa sitwasyon haha! Ang alam ko lang inevitable na ang pag-take ng board exam kahit na gusto ko nang lumipat ng ibang field (multi media arts).

6. BLOG MORE
Ang dami ko nang napalampas na ideas at stories dahil sa katamaran kong magsulat haha! Anyways, with my new iBlogger app, siguro naman mas gaganahan nako kahit papano. Blogging on the go! Yebah! Expect more foodtrip entries dahil dami kong gustong i-feature na pagkain (goodluck sa #2). Also, I'll try my hands on some fictions *excited* ☆〜(ゝ。∂)



"Cheers to a New Year and another chance for us to get it right." - Oprah Winfrey




5 comments:

xall percé said...

Meat nino? lols!!! Three thumbs up ako sa no yosi! Dapat yan ang NYR ng lahat ng mga smoke belcher

Mike said...

goodluck sa NYR at lalo na sa board exam! habang mas maaga mag-take ka na. :)

Jake said...

Eh more sex, hindi kasama sa new year's resolution mo? Hahaha!

Anonymous said...

Happy Birthday! -Pusa

Blakrabit said...

@Jake: Anukaba tatay, di n kailangan! LOL!

@Pusa: oist!!! Salamat sa pagbati! :D