two days todo ulan at suspended ang klase.. haaay
todo bantay sa tindahan at sagot ng assignments (waw! bago yan ha)
oo nmn! medyo tumatanda na tayo eh kaya kelangan nang magbagong buhay.. sabi nga ni itay "you're not getting any younger"
actually first time kong magpakasubsob sa paggawa ng assignment. hindi nm sa hindi ako gumagawa ng assignments. nagawa nmn ako assignments eh, pag objective type. pag enumeration, research, journal, at essays. pero pag computation na eh.. gumagawa pa din ako kaya lang pag hindi ko nakuha ng isang beses yung sagot eh usually tatamarin na ako at pag nakita kong kelangan ng mahabang soltion eh tatamarin na ako.
kaya nga parang nanibago ako (at yung mga magulang ko). himala daw at nag-aaral ako.
salamat din sa walang pasok dahil naintindihan ko yung lecture at nakagawa ako ng 2 assignment at tatlong problem sets na puro equations .
pinapili din ako ni stepmom kung anong magandang gawing design dun sa bagong bahay na pinapagawa nmin sa mga magazine na hawak nya. syempre dapat me alam ako dun, engineer eh kaya pumili ako.
pinili ko yung medyo simple lang at angkop dito sa pinas, kasi yung magazine nya American Houses.
habang nagbbrowse sa mga pahina eh namili din ako ng mgagandang bahay. yung tipong pedeng gawing dream house at bahay bakasyunan..
sa mga oras na nagmumuni muni ako na balang araw ipapatayo ko yung bahay na nakita kong maganda eh "sya" yung nakita kong kasama kong nakatira. haayy talaga baliw ako. ewan ko ba.. hindi ko pa narereformat yung sense of future ko. kelangan nang i-update!!!
dahil nga todo ulan, eh nakakasenti. dagdag pa yung mga kanta sa radyo na mas lalong nagpapalamig ng pakiramdam.
kinagabihan tdo txt nmn sina malyn at ninie sken.
sabi ni malyn eh naiilang pa din daw sya
si ninie nmn nangungumusta
alam ko andun si ex kasi nagtxt din si ninie, pero di ko na tinanong
yun konting update sa buhay buhay..
busy sa skul
apply ng parttime
add ng YM
kahit hindi ko tinanong at kahit hindi ko binanggit sya sa mga txt ko eh hindi ko maalis sa utak ko na maisip sya habang katxt ko yung mga kaibigan nya.
kasar talaga senti mode n nmn.. nabalewala yung effort ko na magtapangtapangan, maging bitter at wag n syang isipin.. nung gabing yun, ndi ko nagawang maging matatag
No comments:
Post a Comment