Wednesday, July 12, 2006

2nd day low..

2nd day na ng klase..

als dose pa klase ko kaya hindi ako masyadong nagmamadaling pumasok sa skul.. mga 9.30 cguro eh papaalis na ako ng bahay kasi para medyo maaga ako makadating sa skul at makagawa din ng assignment sa strength (first day palang kahapob nagbigay n kagad ng assignment kasar!)

ready na akong umalis ng bahay except sa wala na akong pamasahe kasi yung binigay sken ni papa eh pang 1day lang..

so.. hinintay ko pa si papa, since ndi nmn ako masyado nagmamadali kaya ok lang..

pero.. haaay... wala pala money si itay kaya sabi nya kumuha nlang daw ako kay stepmom ng pamasahe dun sa tndahan nmen..

***
huwaat!! iharap mo n ko kay Pacquiao wag mo lang ako ihaharap kay stepmom.. okay so medyo exaggerated yung expression ko pero eversince hindi ko talaga kavibes si madrasta eh.. sa bahay nga eh pilit kong iniiwasang makasalamuha siya, sa kainan hanggang maari di ako tatabi sa kanya o makaharap sya sa mesa.. kapag sa sala naman habang nanonood ng tv umaalis ako pag andun sya (pero syempre hindi naman sa garapal na way dba yung pasimple lang).. kapag kamikami lang ng mga kapatid ko at si itay eh nakakatawa ko ng malakas, nakakapag joke pa ako at nakikipag asaran sa mga kapatid ko pero iba pag andun sya eh, tahimik lang ako

although malaki yung utang na loob ko skanya..basta naiintimidate ako skanya.. sa presence nya.. sa ugali nya..

medyo complicated kasi yung childhood ko eh bilang isang illegitimate child.. at malaki yung naging contribution ng naging treatment nya sken nung bata pa ako sa current na relationship ko sa kanya.. hindi na mastadong tanda kung anu-ano yung mga naging karanasan ko dati pero sapat na ung ala-ala na nanginginig yung mga tuhod ko dati makita ko lang sya..

kaya up to now wala pa rin akong tawag sakanya.. hindi tita.. hindi mama.. basta wala lang.. hindi ko kasi masambit yung mga salitang yun sakanya eh.. ung relationship namin is civil.. respect lang at gratitude

***
nang marinig kong kelangan ko pang makiusap kay stepmom eh bumalik ulit ako sa kwarto ko.. labas susi.. bukas drawer.. 20..40.. 50..60..70..75..82!! meron pa kong 82 pesos dun sa taguan ko ng pera (yung ipon ko para dun sa bayad ko sa pusta nmin ni malyn na treat sa tokyo-tokyo)
since P62 lang naman pamasahe ko balikan (di bale na lunch, may pang 1hr DOTA pa ako yeey!) eh hindi na ako dumaan sa tindahan at dumiretso na ako sa sakayan ng tricycle..

sa skul eh medyo hindi ako makakilos ng ayos kasi nga sobrang budgeted yung pera ko at pede lang akong makabili ng 2 yosi maximum (ang hirap maging mahirap!!) buti nga eh may nadakot pa akong ilang barya sa may lamesa bago ako umalis ng bahay kaya nakapag yosi pa ako.. at yung P20 ko nmn eh binili ng burger (yung buy one take) nung pauwi nako kse medyo nagutom ako eh..

minamalas nga talaga ako kasi umulan at wala pa nmn akong payong pero buti nga nakajaket ako at nka cap (pero basa pa din at ang hirap kumuha ng jeep na masasakyan)

nung malapit na ako sa amin, onting lakad na lang..

SAPUL!!

tanginang mga kupal to magbabasketbol lang sa daan e tatamaan pa ako sa ulo!

pagdating sa bahay..

LOCKED!

haay wala pa sila andun pa sila sa may tindahan kasar kelangan ko pang bumaba.. grabe basa na ako at mukhang mas lalong tatagal pa tong ubo at sipon ko!

No comments: