Sunday, July 22, 2012

Tanong


Pano mo nga ba masasabing in-love ka sa isang tao?

Dahil ba hindi siya mawala-wala sa isip mo? Dahil masaya ka kapag andyan sya? Dahil ba gusto mo siya palagi makasama? Mahalikan? Mahawakan? Mayakap? Maka-sex?

Sapat na ba ang mga dahilan na 'yon para ayain siyang makipag-relasyon?

Eh pano kung hindi niya kayang ibalik sa'yo ang emotional attachment na nararamdaman mo? Pa'no kung ang kaya n'ya lang ibigay sa'yo ay ang saya sa tuwing magkasama lang kayo?

Ano ang gagawin mo kung hanggang dun lang? Na kahit nakikita mong masaya din siya kapag kasama ka at ginagawa ang kung ano-ano na sa perspective mo ay ang mga ginagawa lang mga mag partners eh hindi pa din siya mapapa sa'yo? Anong gagawin mo kung ganun lang talaga? Na he's just enjoying his time being with you? Na may posibilidad din na he's enjoying his time kasama ng iba pa?

Two become one? You complete me? Kung iisipin mo nga naman, kahit naman partner mo ang isang tao ay hindi din naman siya sa'yo. Magka-ibang indibidwal pa din naman kayo at kumpleto ka naman bago ka pa nagka-partner. Pero bakit ba isa sa mga natural na instincts natin ay angkinin ang taong gusto natin?

At bakit ba pilit tayong pinapaghanap ng mga puso natin ng kapareha? Para may makasama kapag malamig ang panahon? Para may karamay sa problema? Para may ka-share sa lungkot? Sa kumot? Para magka-anak at bumuo ng pamilya? Pano kung bading ka?

Bakit din ba kapag may nagugustuhan ka, kapag naaappreciate mo ang ganda ng bukangliwayway, may kulang. Kapag na-promote ka sa opisina at may pa-party para sa'yo, hindi lubos ang saya. Kapag naakyat mo ang Osmena Peak at nakita kung gaano kaganda ang kabundukan at kakahuyan, may hinahanap ka pa din. Hinahanap mo yung kamay na hahawak ng mahigpit sa iyo habang inaabangan ang pag-sikat ng araw. Hinahanap mo yung natatanging boses na bibigkas ng "congrats!" dahil balewala sa'yo ang congratulations ng iba. Hinahanap mo yung init ng katawan na papawi sa lamig ng hamog sa taas ng kabundukan. Hinahanap mo yung taong yun. Hinahanap mo siya dahil gusto mong kasama mo siya sa lahat ng magagandang pangyayari sa buhay mo.

Pero pa'no nga kung hindi nya piliing maging andun? Complicated daw kasi. Hindi siya yung tipong "pang-relationship". Ayaw ka lang nyang masaktan. Blah. Blah. Blah.

Kaya mo pa rin bang i-maintain ang intensity ng nararamdaman mo kahit alam mong walang magiging resulta? Walang kasiguraduhan?

Gumagawa lang ba tayo ng isang bagay para gawin din sa atin? Sabi nga sa kasabihan diba, "To give is to receive"? But can we really give without the thought of receiving?

Minamahal ba natin ang isang tao para mahalin din tayo? O minamahal natin sila dahil, wala lang, mahal lang talaga natin. Dahil sila ang napili ng ating subconscious na mga sarili para maging dahilan ng saya, lungkot, pangungulila at pagkabigo. Dahil wala tayong control sa damdamin natin. Dahil kahit buong hukbo na ng mga concerned na kapamilya at kaibigan ang gustong i-untog ang ulo natin sa pader, hindi mo pa din tatanggalin ang helmet mo. Dahil kahit bigyan na tayo ng paraan para makalimutan sila, we're still willing to hold on. Dahil ba tanga tayo? Dahil ba umaasa na mag-bago pa ang ihip ng hangin? Dahil ba yun lang ang dahil para maramdaman natin na buhay tayo?

Kaya mo bang magmahal nang hindi umaasang mamahalin ka din nya?


Mula sa pelikulang:  Somewhere I Have Never Traveled

5 comments:

Anonymous said...

idol, you have to go through this so you will understand, that in life, you can't have everything. Kasi kapag nakuha mo na, wala ka ng aasamin na iba pa. And that will make your life dull and uninteresting.

Cheer up. Puso mo lang yan. Subukan mong bigyan ng boses ang iyong utak, at ng sa gayon ay makakaramdaman ka ng balanse. :)

Anonymous said...

idol, you have to go through this so you will understand, that in life, you can't have everything. Kasi kapag nakuha mo na, wala ka ng aasamin na iba pa. And that will make your life dull and uninteresting.

Cheer up. Puso mo lang yan. Subukan mong bigyan ng boses ang iyong utak, at ng sa gayon ay makakaramdaman ka ng balanse. :)

Shenanigans said...

haaay! sa tingin ko masyado lang tayong nagiging available. too available kung baga.

I dunno pero kung ako ang nasa sitwasyon na ganyan kakausapin ko siya itatanong ko kung anu ba kami kung sinabi niyang magkaibigan lang pero ganyan kami sweet sa isat isa na kulang na lang eh maging officially maging kami... ang gagawin ko lalayuan ko siya kasi niloloko lang niya ako. pinahihirapan lang niya ako kaya mas mabuti pang lumayo kesa sa dumating pa yung panahon na sabihin niya sayong mag boyfriend na siya mas masakit yun kasi hindi mo man sinasadya o hindi mo nman balak eh mahuhulog ka na din sa kanya yung tipong mahal na mahal mo na siya kaya bago pa dumating yung oras na yun umalis ka na sa sitwasyon na yan. life is too short to be miserable. at kung talagang gusto ka niya at mahal ka niya hindi ka niya papahirapan.

Mamon said...

Love is universal, ika nga nila. All is fair in love and war, sabi rin ng iba. Pero ang pag-ibig ay hindi cookbook na may exact ingredients at recipe. yang mga tanong na yan ay di tulad ng tanong na pano magluto ng quiche. May kanya-kanya tayong paraan at sahog sa pagluluto ng ating lovelife. mabuti ng alam mo na yang mga tanungan na yan, at sa pagharap mo sa mga taong dadating sa buhay mo, unti-unti mo yang masasagot. good luck. balitaan mo kami when you find the answers you seek :D

Blakrabit said...

@Master: Enlightened ka talaga sa mga ganitong bagay. Salamat!

May boses naman utak ko pero, syempre , alam naman natin na kapag puso laban sa utak, panalo ang nauna.

@Shenanigans: Oo nga. Too available. Pero yung kasi ang gustong gawin ng damdamin ko. Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng kung ano mang nararamdaman ko sa kung saan mang sulok ng aking pagkatao.

Life is too short nga to be miserable pero life is too short din naman para pigilan mo ang nararamdaman mo at ipagkait sa sarili ang ipakita ito sa taong mahal mo. Ang gulo no? Depende lang sigurp sa perspective ng tumitingin.

Pero as of now, pinili ko nang lumayo na din.

@Justin: Gusto ko ang metaphore mo sa love! Sabagay, naniniwala ako na ang mga tanong natin ngayon ay masasagot din somewhere in the future at mapapa sabi na lang tayo na "Ah! Kaya pala ganun!". Tama nga ang Micheal Learns to Rock, Someday It's Gonna Make Sense.