Monday, June 11, 2012

Anong




Isang malaking kawalan sa mundo ang isang tulad mo.

Para sa akin, sa mga matatalik mong kaibigan, mga kamag-anak, estudyante at kapwa mo guro na sa isang paraan ay nabahagian mo ng piraso ng iyong buhay, mananatili ang lahat ng iyong ala-ala.

 Mananatili kang inspirasyon bilang isang taong nagsumikap sa kabila ng mga problemang lumalamon sa bawat isa sa atin.

 Mananatili kang inspirasyon bilang isang kaibigan na kahit kalian ay hindi nang-iwan ng kaibigan sa ere.

Mananatili kang inspirasyon bilang isang anak, kapatid, tito at apo na mapagmahal at ginawa ang lahat para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang pamilya.

Mananatili kang inspirasyon sa mga nagging estudyante at kapwa guro mo bilang isang propesyunal na hindi ginawang dahilan ang kahirapan para lang magkaroon ng magandang edukasyon. 

Para sa taong minsang naging pinakamahalaga sa buhay ko, maligayang paglalakbay sa’yo at maraming salamat.

3 comments:

shenanigans said...

aaaawwww.. ang lungkot naman ng pagbabalik mo.

sorry to hear this

Yas Jayson said...

The person must be special indeed.

Blakrabit said...

@shenanigans: oo nga malungkot pero wala naman nang magagawa kundi isipin na lang yung masasaya.

@Jayson: One of my exes who's become a good friend after the break-up>