Sunday, August 26, 2012

Si Universe at Ako

0917-7252628

'Yan ang personal line ko kay Universe. Kanya-kanyang trip lang 'yan. Kapag may gusto akong ipagpasalamat, ikwento or hingin, isang text lang. Parang nasa kabilang linya lang si Universe. Isa sa mga contacts ko. Isa sa mga ka-close ko. Feeling ko malapit lang siya at mabilis nyang mabasa ang mga text ko sakanya.

Noong nakaraang linggo, kinailangan kong umuwi sa probinsya namin sa Surigao para sa libing ng Lolo ko. Wala akong kakilala na kaedad ko na makakausap. Wala din naman kasi akong ka-close sa mga pinsan at kamag-anak namin dun.

--------------------------------------------------------------
Hey Universe, bakit ganito? Amg hirap naman i-let go ni Ching. Kahit gusto ko na syang kalimutan, bigla na lang syang pumapasok sa utak ko. Huhu. HELP!

18/08/2012
06:05:00 PM
--------------------------------------------------------------
Anyways, salamat pala na-promote ako at nabigyan ng increase kahit hindi malaki. Okay na yun. Pmabayad din ng boardinghouse. Medyo hindi na din ako gigipitin masyado. SALAMAT!


18/08/2012
06:12:00 PM
--------------------------------------------------------------
Andyan na pala si Lolo. Pakikumusta mo na lang ako ha. Pakisabi bisita na lang sya dito kung hindi sya busy dyan. 'Wag lang yung scary na bisita ha! Hehehe. Pakisabi din mag-enjoy sya sa paglalakbay nya. :)


18/08/2012
06:15:00 PM
--------------------------------------------------------------
Amboring dito. Wala ako makausap. Haizt. Bakit malas talaga ako sa lovelife? Lahat ng gusto ko may sabit, di ako gusto or iba ang priority sa buhay. 'Yan ba yung paraan ng pagsasabi mo na mag-focus muna ako sa ibang bagay tulad ng board exam? Pero bakit mo naman kasi pina-meet sakin yung mga yun? Alam mo naman na yung mga ganung tipo ang kahinaan ko eh yun pa mga pinakilala mo sakin. Power tripping ka din eh no? Hahaha! Hmmm.. may kailangan ba ako matutunan dun?


18/08/2012
06:20:51 PM
--------------------------------------------------------------
Sorry ha. Wala talaga akong ibang makausap eh. Ikaw lang. So hindi na yata tuloy yung labas namin ni Han sa Monday. Magpamasahe na lang kaya ako dun sa masahista na nakilala ko? Sana wala yung mga tao dun sa boardinghouse para homeservice na lang wehehehe. Sana may extra. hahaha! At sana mura. Hmm.. pero sige na nga. Mas hihilingin ko na lang na magaling sya magmasahe. ;)


18/08/2012
06:24:00 PM
--------------------------------------------------------------
Puch. naalala ko na naman talaga si Ching. Sa lahat ng pinakilala mo, sakanya ako mas tinamaan. Amp! May sabeeet! Minsan nakakapag-isip ako ng hindi maganda. Huhu. Sorry mabilis ako ma-tempt eh kasi siya yung  kryptonite ko. Bakit kasi pinakilala mo pa? Huhu. Hirap nyang matanggal sa utak ko. Haizt. Hirap sobra. Tulungan mo naman ako pleeeeease. Seryoso.


18/08/2012
06:29:00 PM

--------------------------------------------------------------

Haha! Pagkatapos kong basahin ulit at i-type dito lahat ng sent messages ko kay Universe noong umuwi ako, na-realize ko na nagreply pala siya sakin pag-uwi ko dito sa Cebu.

Nakapagpa home service ako ng masahe. Magaling at 100% clean.

Wala nang sabit si Ching.

0917-(SALAMAT)


from JackFuscoPhotography




No comments: