Saturday, July 30, 2011

Tadhana



Sa hindi inaasahang
Pag-tatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nag-dugtong
Damang dama na ang ugong nito

'Di pa ba sapat
Ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko
Ipararanas sayo?
Ibinubunyag ka
Ng iyong matang
Sumisigaw ng pagsinta

Ba't 'di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo

Saan nga ba patungo?
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana
Ay dinadala ako
Sa init ng bisig mo

Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin?
Ipauubaya nalang ba 'to sa hangin?
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto akong nakikinig sayo

Ba’t ‘di salubungin
Ang puso ko at kunin?
Ang diwang malaya
Huwag na huwag magpabaya pa
Ikaw ang pag-ibig
Pakinggan ang himig ko
Wala na sanang lalayo
Mundong ito ay hihinto...


-Tadhana, Up Dharma Down



- Posted using BlogPress from my iPod Touch

No comments: