Friday, July 22, 2011

Hesperioidea

Confirmed!

Hindi pa naman pala ako nag devolve into a society-pressured-and-brain-washed-gay-turned-straight-guy-daw like what I have written in my previous post. Pa-effect lang pala yun!

But seriously, Cebu has this certain effect on me. Or it could just be the fact na malayo ako sa lahat ng pwedeng gumulo sa isip ko at hindi crazily fast paced and buhay dito, giving me time to discover who I really am and be aware of all my thoughts.

It could also be the people around me. It's a humbling experience na makasalamuha ang mga tao from all sorts of walks of life. May mga may kaya. May mga super tipid para magkasya ang allowance na P1,000 a month. May mga workaholic. Mga nagbabagong buhay. Mga simpleng probinsyano. May mga pursigido. Mga relihiyoso. Conservative. Wild. May mga may itsura. Meron ding di pa nauuso ang mga beauty ngayong 21st century. Mga Muslim. Christian. Ilocano. Cebuano. Bicolano. Davaoeno. Surigaonon. Waray. Ilonggo.

Everyone has their own inspiring stories to tell na talagang mapapabilib ka. Parang nag marathon ka lang ng one year worth of episodes ng Maalaala mo Kaya habang nakikipag kwentuhan. Yung tipong pang teleserye ang mga buhay. It really happens pala talaga. (Syet! I'm so coño!)

Everyone starts off as strangers pero somehow, amidst all those differences, maganda ang pakikisama ng lahat and away from all the glitz, glamour, fast pace and superficiality of city life, I realized that there are things bigger than me and my own little drama club at hindi lahat nasusukat sa kung ilan na ang FB friends mo, kung anong generation ang iPhone mo, ilan ang gaming consoles mo
na pang display lang, kotse, mga bansang napuntahan, gaano kadami ang bote ng anti-aging creams mo, gaano kalaki ang sahod mo at gaano ka kadalas mag night-out. People I've met here are people who have strived hard to survive. People who're so full of dreams, it overflows and infects every veins in your body. May mga taong mas malaki pa ang problema at napagdaanan sa buhay kesa sa akin pero ang lakas ng fighting spirit. Very overwhelming talaga ang experience knowing and being surrounded by these kind of people.

It made me feel more alive and as I learned the lessons about their life stories, I learned so much more about mine.

They are my cocoon.







- Posted using BlogPress from my iPod Touch

1 comment:

Kiks said...

Ok, Madama Butterfly, i shall await your metamorphosis. :-)