budol fight ang tawag sa probinsya namin kapag pinagsasaluhan nyo ang pinagsama-sama ninyong pagkain na naka latag sa dahon ng saging. potluck sa ingles.
dahil half-day ang namn kami sa tindahan ngayon eh dumiretso na kami sa hallowbock-an namin dahil dun iheheld yung budol fight. actually napaisip ako kaninang umaga dahil nagluluto sila ng maraming pagkain eh wala naman akong alam na may bertdey.. budol fight pala..
pagdating namin sa hallowblock-an eh andun nakalatag na yung dahon ng saging at sa gilid eh may mga taong nagbubugaw sa mga langaw. adobo, dinuguan, bihon, adobong baboy, sardinas, natong (laing) at kanin. lahat ng mgaulam eh nakapaibabaw sa kanin at haluin o lang eh parang kanin baboy na.. heheh.. at bawal ang gumamit ng kutsara.. magkakamay tayo!
sa unang pagkakataon nakitawa, nakisalamuha, nakipagkulitan at nakipagbiruan ako sa mga kamag-anak ko at sa mga trabahador namin. bagong experience!! at ang saya.. kahit na medyo parang kanin baboy yung kinakain namin eh enjoy naman.. (paki nyo ba, eh yung presidente nga natin naggaganto din eh pag eleksyon).. normal lang yung mga putahe pero yung thought na lahat eh nagluto para maisama sa potluck eh sobrang nakakatouch. sabi nga nila mas masarap kumain kapag may kasalo (mga 20 yata kming lahat) kahit na tinapa lang ulam mo. kaya all-in-all eh masaya naman.. haaay may experience na.. di na virgin heheh
pagkatapos namn namin sa budol fight ah fight ulit kami papuntang 168 sa divisoria.. isa sa pinakaayaw kong gawin eh ang magshopping.. mas malala kung sa divisoria dahil sobrang dami ng tao.. katulad ng budol.. eh first time kong sumama kina papa sa pagshshopping sa DV.. wala namn akong ibang gagawin eh, eh di sumama nalang ako kahit nakapambahay lang ako, sira ang tsinelas at hindi pa naliligo heheh. isa to sa mga paraan ko para makabawi sa kanila. eh sa dami ko ba nmng pinalagpas na mga pagkakataon kasama nila eh dami akong utang.
haaay grabe ang pagod sakit na paa ko sa kakalakad pero worth it naman eh.. binigyan ako ng 700 pang shopping (pero isang walang kwentang sumbrero lang ang nabili ko na ewan ko kung bakit ko nagustuhan) at nakakain ako ng 16pcs ng sushi worth P110 lang huwaw! hindi ko nmn nagastos lahat ng pera ko eh kasi medyo pinagiipunan ko yung pang nood ko ng SUPERMAN RETURNS kasama ng class/schoolmates after ng finals namin sa math.
usually pag ganitong linggo eh hindi ako sumasama sa family sa mga party, reunion, simba, kain sa labas, at kung anu-ano pang social gatherings. oo, may pagka anti-social ako. hindi ko kasi trip ang makihalubilo sa ibang tao na hindi ko nmn mga kilala. at dahil din meron akong mas importanteng priority kesa dun.
dati, wala sa top priority ko ang family, at responsibilidad sa bahay.. mas gugustuhin ko pang sumama sa mga kaibigan ko or magliwaliw ng mag-isa. ewan ko ba.. siguro mas ok ang pakiramdam ko kapag yung sarili ko lang iniisip ko. at kaya kong gawin at sabihin ang kung ano mang gusto ko, mas malaya ang pakiramdam ko.
pero kelan lang meron akong isang importanteng aral na natutunan. na yung pamilya na binabalewala mo eh yun yung mga taong tatanggapin ka sa kabila ng mga pagkukulang at di mo magandang ugali. sila yung laging nandyan kahit parating kang nadadapa sa mga hamon ng buhay para tulungan kang tumayo ulit. sila yung hindi ka isusuko khit anong mangyari. kahit na mawalan kayo ng bahay, kahit na wala kayong makain.. hindi ka nila bibitiwan.
ngayon, kusa na akong bumabalik sa pinanggalingan ko. ang tanga ko talaga.. sa iba pa ako naghahanap ng pagmamahal at pagtanggap eh nasa harapan ko nmn na pala yung hinahanap ko hindi ko lang napapansin.
next mission : punta ng paranaque at bisitahin sina mama at lolo, may sakit pa nmn..
No comments:
Post a Comment