Isang malaking kawalan sa mundo ang isang tulad mo.
Para sa akin, sa mga matatalik mong kaibigan, mga
kamag-anak, estudyante at kapwa mo guro na sa isang paraan ay nabahagian mo ng
piraso ng iyong buhay, mananatili ang lahat ng iyong ala-ala.
Mananatili kang
inspirasyon bilang isang taong nagsumikap sa kabila ng mga problemang lumalamon
sa bawat isa sa atin.
Mananatili kang
inspirasyon bilang isang kaibigan na kahit kalian ay hindi nang-iwan ng
kaibigan sa ere.
Mananatili kang inspirasyon bilang isang anak, kapatid, tito
at apo na mapagmahal at ginawa ang lahat para mabigyan ng maayos na pamumuhay
ang pamilya.
Mananatili kang inspirasyon sa mga nagging estudyante at
kapwa guro mo bilang isang propesyunal na hindi ginawang dahilan ang kahirapan
para lang magkaroon ng magandang edukasyon.
Para sa taong minsang naging pinakamahalaga sa buhay ko,
maligayang paglalakbay sa’yo at maraming salamat.
3 comments:
aaaawwww.. ang lungkot naman ng pagbabalik mo.
sorry to hear this
The person must be special indeed.
@shenanigans: oo nga malungkot pero wala naman nang magagawa kundi isipin na lang yung masasaya.
@Jayson: One of my exes who's become a good friend after the break-up>
Post a Comment