ONSE
2nd year highschool ako nang matutong mag commute. Maliban sa pagsakay ng tricycle mula bahay papuntang school, hindi ko na alam kung pano sumakay sa jeep/bus/etc . Hindi kasi ako pinapayahan ng nanay ko dahil baka mawala daw ako o di kaya maaksidente sa pagtawid. Kinailangan ko lang matuto bumiyahe mag-isa dahil sa paglipat ko sa bahay ng aking tatay.
DOSE
Nung bata ako, nagnakaw ako ng laruan sa dept. store. yung mga free toy sa hotdog na kung hindi ako nagkakamali ay yung Spiderman na may parachute hehehehe
TRESE
Naka weewee ako sa pants noong grade 1 ako. Ang terror kasi nung matandang dalagang teacher namin kaya natakot akong mag may-i-go-out. Ewan ko kung napansin nung seatmate ko.
KATORSE
Grade 3 naman ako nung tinuli. Grabeng iyak ko nun at tingin ko napa squirt ako ng weewee haha!
KINSE
Nung elementary dinadaya ko si Manong na nagpapalabunutan ng mga sisiw sa tapat ng school. Yun yung pipili ka ng blangkong papel at huhulaan kung anong lalabas na number. Ginagawa ko, bumibili ako ng papel tapos iuuwi ko sa bahay at saka babasain para makita ang hidden number tapos papatuyuin naman ulit. Kinabukasan kunwari bibili ng papel pero i-si-switch ko yung isa. voila! instant panalo! hehehehe
DISE-SAIS
Binansagan akong Jack of all Trades noong highschool. Kasi sa lahat ng subjects may alam ako. Idagdag pa ang extra curricular activities gaya drawing, journalism, badminton at pagiging class artist ko. Kaya lang ang totoo nyan ay ako ay Jack of all Trades but Master of None kasi most of the time kabilang lang ako sa top pero hindi mismong yung nasa Top1 huhuhuhu
DISE-SIYETE
May time na nilakad ko mula Central Terminal Station ng LRT hanggang Libertad. Walang dahilan, trip lang. Pero hanggang kinabukasan masakit pa din mga paa ko.
DISE-OTSO
Ang aking stepmom ang pinaka kinamumuhian kong nilalang. Masungit, manipulative, madada,plastik. Pero noon yun. Ngayon medyo ayos naman na ang tingin ko sa kanya kasi through the years ay nakita ko din naman kung ano ang mga nangyayari sa paligid kaya medyo naiintindihan ko kung bakit sya ganun.
DISE-NUWEBE
Gusto kong malaman kung ano na ba ang nangyari dun sa kapit bahay namin dati. Hindi ko na maalala kung teenager na ba sya noon basta ang alam ko wala pa kong muwang noong mga panahong iyon. Naalala ko lang na mahilig siyang magpakita ng birdie nya sa ibang mga bata sa lugar namin at nanghahabol ba sa gitna ng kalsada at hindi ko din alam kung may toyo ba yun o sadyang ganun ang trip nya. Gusto ko lang malaman kung naging straight ba sya paglaki nya o PLU at ano kaya naging epekto dun sa mga batang lagi nyang pinapakitaan ng birdie nya? naging mga PLU ba sila?
BEYNTE
Chickee. S'ya yung alaga kong manok nung bata pa ako. Napanalunan ko sya kay Manong. Inalagaan, pinakain at minahal hanggang mag fade ang green na artificial color nya at mapalitan ng mapuputing balahibo. Pero isang madilim na gabi, pag-uwi ko ng bahay, hindi ko marinig ang kaluskos ni Chickee sa kanyang kulungan. Kinabahan ako. Dali-dali kong tinakbo mula sa pintuan, di na pinansin ang pagkahulog ng aking bag, patungo sa kinalalagyan ng kulungan ng aking mahal na alaga para lamang malamang wala na sya doon. Umiyak ako. Maaring nakawala sya o kinain ng daga o pusa. Hindi ko na maisip kung ano pang mga posibleng kinahinatnan ng alaga ko sa sobrang lungkot. Pumasok na ako sa bahay pagkatapos pulutin ang aking bag. "Ma, wala na si Chickee.", agad na sumbong ko sa nanay na sumalubong sa akin. "Wag ka na malungkot 'nak, bili na lang ulit tayo ng sisiw.", tugon nya na may pakikiramay. "Wag mo na muna isipin yun. Maghapunan ka na muna 'nak, niluto ko yung paborito mo... tinolang manok". Sabay isang malakas na hagulhol! huhuhu
2 comments:
if May nga pala ang exam mo, pareho tayo ng course.
Pang-MMK ang drama. Title: LRT.
:P
Post a Comment