Hindi mahirap ang magbilad sa init araw araw,
hindi mahirap ang mag compute ng estimates,
hindi mahirap ang makipag usap sa mga masusungit at demanding na home owners at buyers,
hindi mahirap ang libutin ang 55 hectares na subdivision ng naglalakad lang...
ang mahirap sa trabaho ko ngayon ay ang kilatisin at presyohan ang mga contractor namin sa site.
Nahihirapan ako na sabihan sila na
"Talagang ganyan ang presyo nyan."
"Naka-hold ang billing nyo dahil hindi nyo natapos ang gawa."
"Wala kayong billing ngayon. Next week pa."
Mahirap sabihan ng ganun ang mga taong araw araw mong nakikita sa site na nagbabanat ng buto.
Mahirap silang tingnan sa mata habang nagmamakaawa at nagpapaliwanag ng side nila pero
wala naman akong magawa dahil may mga patakaran talaga sa kumpanya...
haizt!
>_<
5 comments:
Kelangan talaga ikaw ang gumawa nun? Hindi ba management dapat o HR pag usapang suweldo?
By the way, congrats! Ang tagal na mula nung huli mong blog post!!! ^__^
yup! kami gumagawa nun. ang sakop ng HR ay ang mga admin staffs. sa mga engineers na yung mga contractors sa site. :(
hahahaha! ang dami mo naman skills! nonetheless, namiss na kita!
@ewik: naku miss ko na din kayo kainuman! I-schedule na!
ser wala pa yung sweldo ko!! hahahaha
Post a Comment